TEASER: Saan kaya ang susunod na Linya-Linya Store?

August 26, 2016

Ang bilis talaga ng panahon, ‘no? Noon, sa bazaars lang nakakabili ng Linya-Linya products. Ngayon, may limang stores na— sa UP Town Center, sa Market! Market!, sa Megamall, sa Glorietta, at meron pang online store sa www.linyalinya.ph! :)

 

Ang tanong: Saan kaya ang susunod na Linya-Linya Store?

SAAN PA? WALANG IBA KUNDI SA---
 
Tulad ng lagi naming sinasabi: #AbangAbangLang :p Kaya “TEASER” ang pamagat ng entry namin ngayon, kasi aasarin muna namin kayo sa hindi pagsabi kung saan. :)
 
Pero ito na lang: Target naming mag-open by the end of August! Konting tulog (at siyempre, wag kakalimutang gumising) na lang, magbubukas na ang 6th Linya-Linya Store! :)
 
Sa mga nakatira naman sa iba pang areas, wag kayong mag-alala, konting kayod pa, at dagdag pang suporta, mararating din namin kayo! Sabi nga, good things come to those who wait! :)
 
Sa ngayon, bisita muna sa existing Linya-Linya Stores! 

At may new shirts pala kami availabale sa lahat ng stores. :)

 

P.S.

Sa Gateway nga pala yung next store namin. Hehehe!



Leave a comment

Comments will be approved before showing up.